Huwag Mo Akong Iwasan

Intro I:
Di mapakali pag nandyan ka
Pinaggagawa ko’y wala sa isip na
Pilit mang huminahon, hindi kaya
Sa mga tingin mong iba sa kanila

Di koan masabi sa’yo ng harap-harapan
Sana’y napapansin mo nang ating masimulan
dahil sa t’wing ibang kasama mo ako’y nasasaktan
Ngunit ganun man, ayokong pagpilitan ang sarili ko sa’yo
Dahil kung talagang tayo, sa altar ay magtatagpo tayo

Refrain:
Mga tingin ko’y nasa’yo
Di maalis, mapuling man ako
Buo nang araw ko di ka man lumingon
Basta’t nandyan ka, hayaan ang habambuhay maging atin

Chorus:
Mahal kita, tenga mo ma’y iyong takpan
Kailangan kita, palad ko ma’y iyong tanggihan
Mahal kita, talikuran mo man ako’t iwan
Pero huwag na huwag ml akong iwasan

Intro II:
Nasabi ko na rin sa’yo, ngayo’t alam mo na
Di ako nagsisisi sa aking mga salita
Di ako magdaramdam, di ako iiyak
Sa mga isasagot mong hindi matitiyak kaya

Refrain II:
Sabihin mo na sa akin
Nang hindi ako nabibitin
Sa’yo lamang ako nagmahal ng ganito
Kaya’t sumang-ayon ka na, hayaan ang habambuhay’y ikaw at ako

Bridge:
Mahal kita, huwag kang mag-alala
Tapat ako sa’yo
Mahal kita, sasabihin ko sa’yo
Magbabago ako
Mahal kita, laman ng puso ko
Ay nag-iisang ikaw mismo
Kahit di man ngayon, ako’y maghihintay
Maghihintay

(Repeat Chorus)

Copyright © MakeThisYourLyrics

(Feel free to like and reblog this post BUT any act of copying this lyrics in text will be filed with Plagiarism)
(Comments and suggestions are well-appreciated)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s