songlyrics

Pamamaalam

Intro:
Yan ang hirap sayo
Kinakausap na, di pa rin namamansin
Sa lahat ng tawag at text ko
Panay ring ng phone mo, wala ka pa ring sagot kahit na oo

Refrain I:
Sapat na ang isang letrang sagot kung tinatamad ka,
O baka wala kanang pake talaga

Chorus:
Kung sa inaakala mo ay hindi ako nasasaktan
Sa bawat pag-iwas mo’y di ko malimutan
Sa bawat pag-irap mo’y aking dinaramdam
Sa bawat pangarap natin noon para sa isa’t-isa’y di na natin makakamtan
Ito ba ang paraan mo ng pamaamalam?

Refrain II:
Sabihin mong ayaw mo na kung di mo na kaya,
Pero huwag mong sabihin sa ating pagsasama’y di ka naging masaya

(Repeat Chorus)

Copyright © MakeThisYourLyrics

(Feel free to like and reblog this post BUT any act of copying this lyrics in text will be filed with Plagiarism)

(Comments and suggestions are well-appreciated)

Advertisements
Mahal Kita, Alam Mo Ba? (Song Lyrics) -- MakeThisYourLyrics https://makethisyourlyrics.wordpress.com/ #lettering #calligraphy #songlyrics #songwriter #songwriting

Mahal Kita, Alam Mo Ba?

Intro:
Nandyan ka na naman sa paborito mong lugar
Tinitignan lang kita sa malayo, di ba halata?
Patingin-tingin ka sa may gilid, tila may hinahanap ka
Teka, wag sa direksyon ko, ayoko na iyong mahalata

Umalis ka na’t daladala ang binili mo
Hindi naman ata mabigat pero ang tulungan ka’y nais ko
Nang bigla kang huminto, tumingin ka sa may likod
Ako’y nagising sa bangungot na ako’y mabisto mo

Refrain:
Hindi ko alam pero takot akong malaman mo
Ang pagtingin ko sayo’y iba, may tama na talaga yata ako

Chorus:
Alam mo ba na mahal kita?
Wag naman sana sapagkat ako’y mahihiya
Mahirap na’t kakabahin lang ang dibdib ko
Mahirap na’t sisikip lang ang puso ko
Pero kung magkataon mang masambit ng ibang bibig
Tungkol sa iaalay kong tunay na pag-ibig
Tatanggapin mo ba?
Pag nalaman mong minamahal kita?

Refrain II:
Ngayon pa lang ay iniisip ko na ang magiging reaksyon mo
Kung matutuwa’t matatawa ka na lang

(Repeat Chorus)

Bridge:
Nandyan ka na naman sa paborito mong lugar
Tinitignan lang kita sa malayo, di ba halata?
Di namalayan ay nakatitig ka na pala sa akin
Bigla akong nagising sa katotohanang ito lamang ay hanggang panaginip

(Repeat Chorus)

(Repeat Chorus)

Mahal kita..
Alam mo ba?
Mahal kita..
Aminin mo na!

Copyright © MakeThisYourLyrics

(Feel free to like and reblog this post BUT any act of copying this lyrics in text will be filed with Plagiarism)
(Comments and suggestions are well-appreciated)

Huwag Mo Akong Iwasan

Intro I:
Di mapakali pag nandyan ka
Pinaggagawa ko’y wala sa isip na
Pilit mang huminahon, hindi kaya
Sa mga tingin mong iba sa kanila

Di koan masabi sa’yo ng harap-harapan
Sana’y napapansin mo nang ating masimulan
dahil sa t’wing ibang kasama mo ako’y nasasaktan
Ngunit ganun man, ayokong pagpilitan ang sarili ko sa’yo
Dahil kung talagang tayo, sa altar ay magtatagpo tayo

Refrain:
Mga tingin ko’y nasa’yo
Di maalis, mapuling man ako
Buo nang araw ko di ka man lumingon
Basta’t nandyan ka, hayaan ang habambuhay maging atin

Chorus:
Mahal kita, tenga mo ma’y iyong takpan
Kailangan kita, palad ko ma’y iyong tanggihan
Mahal kita, talikuran mo man ako’t iwan
Pero huwag na huwag ml akong iwasan

Intro II:
Nasabi ko na rin sa’yo, ngayo’t alam mo na
Di ako nagsisisi sa aking mga salita
Di ako magdaramdam, di ako iiyak
Sa mga isasagot mong hindi matitiyak kaya

Refrain II:
Sabihin mo na sa akin
Nang hindi ako nabibitin
Sa’yo lamang ako nagmahal ng ganito
Kaya’t sumang-ayon ka na, hayaan ang habambuhay’y ikaw at ako

Bridge:
Mahal kita, huwag kang mag-alala
Tapat ako sa’yo
Mahal kita, sasabihin ko sa’yo
Magbabago ako
Mahal kita, laman ng puso ko
Ay nag-iisang ikaw mismo
Kahit di man ngayon, ako’y maghihintay
Maghihintay

(Repeat Chorus)

Copyright © MakeThisYourLyrics

(Feel free to like and reblog this post BUT any act of copying this lyrics in text will be filed with Plagiarism)
(Comments and suggestions are well-appreciated)

Sa Unang Pagkikita’y Meron Ba?

Intro I:
G-C
Nakita kita
Di pa tayo magkakilala
Lumingon-lingon kung saan para di madatnan ang mga mata mo

G-C
Kinausap kita
Walang antala’y sumagot ka
Kahit anong maisip ay tinanong ka at di ka naman umiwas sa pagsagot

Refrain:
D
We’re nothing but strangers
at point of view ko lang naman ito
Am
Pero bakit sa bawat tingin mo’y

Chorus:
G-C
May sinasabi ka pero di ko lang alam kung ano
May ibig ipahiwatig pero nagbubulag-bulagan lang ako
Galaw mo’y iba at ako’y nababahala na
Paano malalaman kung sa unang pagkikita’y meron na?
at kung meron ba?

Intro II:
G-C
Bago ako umalis
Naitanong ang pangalan mo, di natiis
Sumagot ka naman at pagkatapos ay nagtanong ng “ikaw?”

Refrain:
D
Sa pagkakataon na iyon
Heart skipped a beat, mind’s gone
Am
Sa tono ng pagkatanong mo’y ..

(Repeat Chorus)

Copyright © MakeThisYourLyrics

(Feel free to like and reblog this post BUT any act of copying this lyrics in text will be filed with Plagiarism)
(Comments and suggestions are well-appreciated)